Schedule

Nov. 27, 2024 | 12:30–2:00 PM

Room

Rm 3, South Ballroom

Moderator

TBA

A3.1

Nasaan ang Espasyong Trans: Trans* sa Espasyo at ang Espasyo bilang Trans*

Rey Mart A. Lapiña

University of the Philippines Mindanao

Bilang tao, mayroon tayong malalim na relasyon sa mga espasyong ating ginagalawan. Sa mga espasyo nahuhubog ang ating pagkatao at kung paano natin hinaharaya ang mundo. Sa usapin ng mga trans* na indibidwal, sa mga espasyong kanilang kinalakihan nila unang nayakap o kinamuhian ang kanilang mga identidad at pagkatao. Tinatalakay ng papel ang ugnayan ng identidad ng mga trans* sa kanilang espasyo at kung paano nahuhubog ng mga espasyong ito ang kanilang pagkakakilanlan sa parehong loob at labas na pagharaya sa sarili. Unang tinalakay ang kasaysayan ng mga trans* sa dalawang uri ng espasyong palaging nakakabit sa kanila, una ang palikuran/banyo (toilet) at pangalawa ang tahanan (home). Tinitingnan ng papel ang mga espasyong ito hindi lamang sa usapin ng materyalidad (materiality) kung hindi at may diin sa relasyonal (relational) na aspeto nito. Sa ganang ito, tiningnan kung paano gumagalaw ang mga trans* sa loob ng espasyo at kung paano nakatutulong ang mga espasyong ito upang panatilihin ang diskriminasyon at opresyong nararanasan ng mga trans* na indibidwal. Panghuli, nagbukas ang papel ng isang paglilimi kung maaari bang bawiin ang mga espasyong ito upang makatulong sa pagpapalaya ng kasarian o kung paano ba magagawang trans* ang isang espasyo. Isang panimulang pagteteorya ang papel tungkol sa trans* na espasyo sa Pilipinas at kung paano ito gagamitin sa loob at labas ng araling queer/trans.

A3.2

Kuwentong Buhay ng mga Piling Pilipinong Baklang Camarero sa Pilipinas

Dexter B. Raymundo and Vladimir B. Villejo

National University-Manila

Ang pagsasanto ay isang debosyon ng katoliko na hatid ng kolonisasyon ng mga Espanyol sa Pilipinas. Inilarawan ang Camarero bilang mga taong naging kaugalian na o pagsasabuhay ang pag-aalaga o pagmamay-ari ng mga rebultong santo o imahen, at kadalasan pa nga ay naipapasa sa susunod na henerasyon. Sapagkat kakabit na sa buhay ng mga Pilipino ang pagiging relihiyoso, lubhang nakakabit ito sa pagkatao at identidad ng mga Pilipino. Kaya naman, mahalagang dalumatin ang kulturang ito na kakabit ng ating pananampalataya bagamat hango sa dayuhang kaisipan. Sa konteksto ng pag-aaral na ito, tinuklas ang mga kuwentong buhay at karanasan ng mga mga piling baklang Pilipinong Camarero sa Pilipinas. Halaw ang pakikipag-palagayang-loob at pakikipagkwentuhan na pananaliksik ni De Vera sa pangangalap ng datos sa larangan, Sa tulong ng teorya ng gender performativity ni Judith Butler, napagtibay ang mga konseptong tumatalakay sa kasarian at debosyon a na siyang makabuluhang dalumat sa kulturang Pilipino sa larangan ng pananampalataya. 

A3.3

Politics, Solidarity, and Symbolisms of the Backstage Bekis of Ilocos Norte: A Narrative Case Study

Mark JC M. Pascual and Denise Nicole G. Miguel

Mariano Marcos State University

The beauty pageant, largely a game of beauty and wits, is one of the most entertaining seasons in Filipino culture but largely a game that appears to be the game of the female “face.” In recent research, it was found that it was members of the LGBTQIA+ who are at the forefront in making the pageant a reality. With the framework of the Filipino term bakla, this study explores the narratives of the backstage bekis of Ilocos Norte, pertaining to the bakla individuals who are  professionally affiliated with the pageant industry. The research aimed to discover the interplay of their identities with their personal and professional relationships that exist within the backstage bekis (and those that do not belong in the category), as well as their personal rituals (e.g., superstitions) and symbolisms found within the pageant world. Using purposive snowball sampling, data was gathered using structured and semi-structured key informant interviews of six  participants who fall under the category of backstage beki, as well as naturalistic observations of two ongoing pageants. Reflexive thematic analysis was used to analyze the data into six (6) major themes: 1) genesis and identity politics; 2) the pageant as a show; 3) organizational schema; 4)  motivations and frustrations; 5) relations and the political game of pageantry and; 6) rituals and  symbolisms. The study also discusses the lifeworld of the backstage bekis in excess. This study  provides depth and meaning to the lived experiences of the backstage bekis, telling their stories  as workers and exploring their identities as they interact within and outside their group. 

A3.4

The Women Masters: Exploring the Shift of Traditional Gender Roles in the Playing of the Maguindanao Kulintangan

Eva Paciencia Cuenza

Universit of the Philippines Diliman

The kulintang is a musical instrument of eight to nine laid-out rows of gongs. This cultural  soundscape can be heard across the greater Sulu area (southern Philippines, northern Indonesia, and Malaysia) within Southeast Asia. This study aims to explore a distinct  traditional rendering in the Maguindanao (a Muslim ethnolinguistic group in the southern  Philippines) society which implicates the performance aspect of kulintangan music-making.  One of the major nuances found in the social structure is the rigid gender stratification  resulting in the gendering of the kulintang instruments. This follows the theory of music  onomatopoeia where the kulintang ensemble instruments are constructed to be associated  with the speech sound and range levels based on a person’s gender. These stiff gender  assertions made the women kept in almost obscurity and limitations in their musical playing  fields. The social transformations that happened among the Muslim ethno-linguistic groups  of the Southern Philippines during the 1950s to the 1980s led to more liberal concepts of  how gender is perceived among the people. This opened to the rise of a new generation of  women kulintang masters who were sought-after trailblazers in the performance stage,  academe, and in their own communities. 

Scroll to Top